133
Cayetano mananagot kapag pumalpak ang SEA Games - Palasyo
By

Cayetano ilalantad ang mga taong naninira sa kanya

Huhubaran ng maskara ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga taong naninira sa kanya kasunod ng mga isyung nakapalibot sa 2019 Southeast Asian Games.

Ayon kay Cayetano sa panayam sa media, handa siya sa imbestigasyon para mapatunayang walang sala sa pag-organisa ng SEA Games, ngunit kanya ring idadamay sa imbestigasyon ang mga taong sumisira umano sa kanyang pangalan.

“Basta’t handa ako sa imbestigasyon after the SEA Games, humanda rin kayo sa imbestigasyon kasi i-unmask ko rin kayo,” ayon kay Cayetano na chairman din ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Foundation Inc.

“I will also unmask those people who shameless o mga walang hiya na gusto talagang sirain ang ating bansa,” saad pa.

Binanatan din ni Cayetano sina Senador Ping Lacson at Franklin Drilon sa pag-usisa sa budget para sa biennial event ilang araw bago ang opening gayong pwede naman umano nila itong silipin dati pa.

Hinamon ni Cayetano ang dalawang mambabatas sa isang lie detector test sa Disyembre 12, isang araw matapos ang SEA Games para patunayan ang mga alegasyon kontra sa House Speaker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?