95

Mar 24, 2020 @ 17:28
By

Cayetano: Hindi kami frontliner

Nagpaliwanag si House Speaker Alan Peter Cayetano sa kanilang signage na hinawakan sa special session ng Kongreso para sa emergency powers bill kontra coronavirus.

Sa nasabing sesyon, tila ginaya nina Cayetano, pati na rin ng ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang kongresista ang mga healthcare frontliner sa isang poster na may nakasulat na: “Together with doctors and frontliners, we went to work for you, so please stay home for us.”

Dahil dito’y binanatan sina Cayetano dahil tila kinukumpara umano ng mga mambabatas at ilang government official ang kanilang mga sarili sa mga health worker na binubuwis ang buhay para magamot ang mga may COVID-19.

Kaya naman naglabas ng pahayag si Cayetano sa Facebook at nilinaw na wala silang intensyon na ikumpara ang kanilang sarili sa mga healthcare worker ay iba pang frontliner.

“No, we’re not comparing ourselves to the frontliners. Hats off kami, malayo. Ang mga frontliners. every single second they’re risking their lives. Kaya nga kami, we are just extending the message, stay home,” saad nito.

“Kung meron pong symptoms, isolate yourselves. Kung positive at kailangan na nasa hospital, pumunta na sa ospital,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?