336

By

Cavite sinailalim na sa state of calamity

Idineklara na ang state of calamity sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, nagkaroon ng special session ang Sangguniang Panlalawigan ng Cavite para buuin at aprubahan ang resolusyon na nagsasabi na ang buong lalawigan ng Cavite ay nasa state of calamity dahil sa epektong dulot ng pagsabog ng bulkang Taal.

Batay ito sa Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 1389-2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?