542

By

Catriona, sinagot ang pag-angkin sa kanya ng Australia

Kasalukuyang nasa New York si Miss Universe 2018 Catriona Gray para gampanan ang kanyang tungkulin bilang 67th Miss Universe winner.

Nitong Lunes sinimulan niya ang media tours sa Amerika.

Sa kabila na birthday week niya ay naging abala ang beauty queen sa pagdalo sa mga panayam ng “Good Morning America”, “Live with Kelly and Ryan”, “Good Day, New York”, at “Build Series”.

Sa ikalawang araw ng kanyang tour, nagkaroon siya ng in-depth discussion sa Build Series na host si Kerry Justich.

Isa sa naitanong kay Catriona ang reaksiyon niya sa “online war” sa pagitan ng Pilipinas at Australia dahil ilang Australian media outlets ang nag-claim na isa siyang “Miss Queensland” matapos nitong manalo.

Natawa si Catriona sa tanong at diretsahang sinabing, “I really feel that I am Miss Philippines. I feel like a Filipina, a Filipino woman. It just so happened that when I was growing up, it was very much in Australia and I think you can be both. I mean, I did grow up with those two sides of the world, if you would.”

Sinabi pa nitong excited lang umano ang Aussies dahil sa holiday season.

“I just thought it was funny that there was almost a ‘war.’ No, she’s ours! She’s practically a Miss Australia. I am a Miss Philippines but I can’t blame them for being excited from feeling the high spirits. So, let them have that,” sabi ni Catriona.

Panoorin ang buong panayam dito:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?