82
Catriona ratsada sa TV guesting
By

Catriona ratsada sa TV guesting

Isa ang TV5 showbiz anchor na si MJ Marfori sa mga nag-interview kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Puring-puri ni MJ si Catriona at wala raw itong kaarte-arte hanggang ngayon.

Bale 10 minutes daw ang oras na ibinigay sa kanya para sa interview na ‘yon, kaya tinodo na niya ang lahat ng mga gusto niyang itanong.

Si MJ din ang nagkuwento sa akin na may ilang TV guestings daw si Catriona sa ABS-CBN katulad ng Tonight with Abunda, It’s Showtime at Magandang Buhay.

May tie-up daw kasi sa Dos ang Binibining Pilipinas Charities, Inc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?