72

By

Catriona mapait sa ‘Maharlika’

Isa pang isyu ang kinontra ng Miss Universe 2018 Catriona Gray na may kaugnayan sa mga nais ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naitanong ni MJ Marfori na ipinost sa kanyang Youtube channel kung ano ang reaksyon ni Catriona ukol sa mga meme na ‘Maharlika’ dahil sa iminungkahing pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas.

Natawa na lang si Cat at tila walang muwang sa nasabing isyu: “Where is that from I’ve been seeing the meme but I’ve never seen the source of it. What is it?”

Ipinaliwanag naman ng showbiz reporter na ang topic ay nagmula sa kagustuhang ligwakin ang bansag na Pilipinas at gawin itong ‘Maharlika’.

“Bakit?” honest na tanong ni Cat na clueless kung bakit napagdiskitahan ang pangalan ng bansa.

Muling humalakhak ang beauty queen at ipinaliwanag na walang dahilan para guluhin pa ang pangalan na Pilipinas na ayon sa kasaysayan ay tumagal na nang halos 500 years.

“If it’s not broke don’t fix it. Philippines is Philippines!” matindihang sagot ni Catriona.

Matatandaan na iminungkahi ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isa sa mga kanyang speech dahil nanggaling umano ang pangalan na Pilipinas mula kay Magellan na naging mitsa ng pagsakop ng mga Espanyol sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?