91

By

Catriona ipapasok sa AFP

Binabalak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kausapin at hikayatin si Miss Universe Catriona Gray na maging ‘military reservist.’

Aniya kapag nagkita sila ni Gray at nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ay ipapaliwanag nito kung paano maging reservist sa AFP.

Idinagdag pa ni Lorenzana na magiging malaking karangalan para sa DND at AFP kung makakabisita ang pinakamagandang babae ngayon sa buong mundo sa kanilang mga kampo.

Tiwala ang kalihim na magsisilbing inspirasyon ng mga sundalo si Gray para pagbutihin pa ang pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Samantala, sinabinaman ni Defense spokesman Arsenio Andolong sakaling makumbinsi si Gray dadaan pa rin ito sa normal na proseso at una na ang pagsusumite ng kanyang aplikasyon.

“The DND will be more than happy to facilitate her entry if she expresses her interest,” sabi ni Andolong. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?