59

Catriona babye na sa New York, ipapasa na ang Miss U crown

Opisyal nang nagpaalam si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang tinutuluyan sa New York kung saan ginampanan niya ang mga tungkulin bilang pinakamagandang babae sa buong mundo.

Sa kanyang Facebook post, biyahe na pa-Atlanta sa Catriona para koronahan na ang magiging bagong Miss Universe.

“ATLANTA here we go! This is also my official goodbye to New York! Feeling super sentimental about it all!” sey ni Catriona.

“I walked into this lobby in these exact boots earlier this year, now we’re 9 days away from welcoming a new queen! Join me for one last trip as your reigning #MissUniverse?” aniya pa.

Si Gazini Ganados ang pambato ngayon ng Pilipinas sa annual beauty pageant na gaganapin sa Disyembre 9 sa Atlanta, USA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?