Kabagsikan itutuloy ni Valdez, Creamline

Matapos walisin ang first round ng eliminations, ipagpapatuloy nina ace spiker Alyssa Valdez at Creamline Cool Smashers ang pananalasa sa second round kontra Chef’s Classic Lady Red Spikers alas-2 Sabado ng hapon sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.


Marinera hahambalos nina Permentilla, Viray

Tubino, Pacific Town igagapos ang Air Force

Hahatawin ni Royse Tubino at ng Pacific Town Army Lady Troopers ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers para sa kanilang huling laban sa first round ng eliminations sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre alas-4 Sabado ng hapon.


Baltazar, DLSU raragasa vs UE

Pakay nina Justine Baltazar at De La Salle University Green Archers na madagdagan ang panalo kontra sa University of the East Red Warriors sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament Sabado sa SM Mall of Asia Arena.


Thirdy, Blue Eagles lalantakan ang Tams

Walang balak magpaawat si Thirdy Ravena at ang Ateneo de Manila University Blue Eagles sa tapatan kontra Far Eastern University Tamaraws sa UAAP Season 82 Men’s basketball tournament alas-4 Sabado ng hapon sa SM Mall of Asia Arena.


Papalit kay Yeng Guiao hinahanap na ng SBP

Sinimulan na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pagtatakda ng magiging direksiyon ng sports sa bansa patungo sa taong 2023 habang pinagdidiskusyunan din nito ang agad na pagtatakda ng papalit sa puwesto na binitiwan ni national head coach Yeng Guaio bilang paghahanda sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.


Bongon, Saint Francis umeskapo kontra Fatima

Nangunguna sa Group A ang Saint Francis of Assisi College matapos pataubin ang Our Lady of Fatima University, 69-68, sa 19th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) nitong Miyerkoles sa Marikina Sports Center.


Lugo nangalabaw, Mapua lusot sa 2 OT

Dalawang overtime ang kinailangan ng Mapua University Cardinals para kalusin ang Letran Knights, 105-101, sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan Biyernes.


butch-ramirez

Mga equipment sa SEAG sosolusyunan ni Ramirez

Lampas dalawang buwan na lamang bago ang pagho-host ng Pilipinas sa kada dalawang taong Southeast Asian Games subalit hindi pa rin natatapos ang mga isyu at problema sa paghahanda ng bansa at paglalabanan na mga sports kung kaya tuluyang nagbigay ng ultimatum ang Office of the Chef de Mission.


4th win sinindihan ng JRU Bombers

Kinapitan sina Agem Miranda at Marwin Dionisio ng Jose Rizal University Heavy Bombers upang pasabugin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 69-63, sa 95th NCAA men’s basketball tournament Biyernes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


Devance gustong mag-Gilas coach

Agaw-eksena si Joe Devance sa biglaang pagbibitiw ni coach Yeng Guiao bilang head coach ng Gilas Pilipinas matapos siyang mag-tweet at iprisinta ang sarili na pumalit dito.


Bogdanovic, Serbia hiniya rin ang USA

Niyanig ni Bogdan Bogdanovic at Serbia ang USA, 94-89, sa 18th International Basketball Federation World Cup 2019 5th-8th classification Huwebes ng gabi sa Dongguan Sports and Cultural Centre sa Dongguan City, Guangdong Province, China.


Obstacle lipat sa Muntinlupa

Mahigit dalawang buwan na lang bago idaos sa bansa ang 30th Southeast Asian Games 2019, subalit hanggang Huwebes ng hapon ay ‘di pa rin nakakasiguro ng kanilang paglalaruang lugar ang ilang mga national sports associtation (NSA) tulad ng bagong isasagawang Obstacle Course Racing.


Natanggal na ngipin, balewala kay Eumir

Natanggal na ngipin, balewala kay Eumir

Unang tatlong araw pa lang sa AIBA World Men’s Championship ay pinatunayan na ng Team Philippines ang kanilang bagsik nang makasungkit sina middleweight Eumir Felix Marcial, light heavyweight John Marvin at featherweight Ian Clark Bautista ng tatlong panalo sa torneo na ginanap sa Ekaterinburg.


1st Jun Punzalan Pingpong sisiklab

1st Jun Punzalan Pingpong sisiklab

Nakatakdang sumipa ang 1st Mayor Jun Punzalan na tinawag na “World Elimination of Pingpong” sa San Simon National High School Pampanga sa Sept. 14-15.


Guinitaran, CEU ginilitan ang Lashes

Guinitaran, CEU ginilitan ang Lashes

Kinatay ng Centro Escolar University ang Asia’s Lashes Tomas Morato, 89-48, para bumiyahe sa 2019 PBA D-League Foundation Cup semifinals, Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.


One Bangkal Chess aarangkada

One Bangkal Chess aarangkada

Ibinalita nina Asia’s First Grandmaster Eugene Torre at Rudy Ibanez ang labanan ng mga henyo sa “One Bangkal United Chess Fest w/ PCTAP” bilang bahagi ng nalalapit na Professional Chess Trainers Association of the Philippines (PCTAP) Chess Festival sa Barangay Bangkal covered court sa Makati City sa Setyembre 21-22.


Jaycee, Mike pinulbos ang Perpetual

Jaycee, Mike pinulbos ang Perpetual

Binitbit nina Jaycee Marcelino at Mike Nzeusseu ang Lyceum Pirates upang kunin ang ika-2 sunod na panalo sa round 2 ng 95th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament nang talunin ang Perpetual Altas, 89-74, sa second game kagabi sa FilOil Flying V Centre.


Silya sa Olympics, target ng Blu Girls

Silya sa Olympics, target ng Blu Girls

Asinta ng Philippine Blu Girls na makatungtong sa 2020 Tokyo Olympics kaya naman hahataw ang mga ito sa WBSC Asia/Oceania Qualifying tournament – huling pag-asa ng Blu Girls para makakuha ng Olympic slot.