Musical fountain ibinida ni Isko!

Ipinagmalaki ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga bisita mula sa Antique at balikbayan ang bagong gawa na musical fountain sa harap ng Kartilya ng Kagitingan sa Maynila.


Coffee shop mga bebot ang paninda, 25 nailigtas

Nasagip ng Makati police ang 25 na babaeng inilalako sa mga customer para sa panandaliang aliw. Naaresto ang may-ari pati na ang dalawang bugaw matapos salakayin ang isang sex den na nagpapanggap na cafe at nagpaparenta ng van sa Barangay San Isidro, Makati kaninang madaling araw.


Oplan Sita pinaigting sa Maynila

Mga miyembro ng MPD Tactical Motorcyle Rider Unit (TMRU) ng Station 11 nagsagawa ng Oplan Sita sa mga Motorcycle Rider upang paigtingin ang kanilang pagbabantay sa riding-in-tandem na karaniwang sangkot sa mga krimen sa Maynila.


PETA nagprotesta laban sa pagkain ng karne

Nagtungo ang grupo ng PETA o Peoples for the Ethical Treatment of Animals sa harap ng tanggapan ng Department of Health sa Rizal Avenue sa Maynila ,suot ang biohazard suits upang ipaalam at itaas ang kamalayan sa kung paano ang pagkain ng mga hayop ay nagiging sanhi ng pagkalat ng mga sakit COVID 2019.


Mga nagtitinda, nakaparadang motor inararo ng SUV; 10 sugatan

Kinordonan ng mga pulis ang gilid ng Redemptorist Church sa Baclaran, Parañaque matapos rumagasa ang isang SUV at masagasaan ang ilang nakaparadang motor at manininda kaninang gabi. 10 ang sugatan sa nasabing aksidente at inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng pagbulusok ng SUV.


Talitay Maguindanao Mayor patay sa pamamaril sa Malate, Manila

Patay sa pamamaril si Sultan Sumagla Talitay, Maguindana Mayor Abdulwahab Sabal sa isang hotel sa Malate Maynila. Makikitang nagsasagawa ng imbetigasyon ang miyembro ng MPD Scene of the Crime Operatives sa bangkay ng biktima at sa pinangyarihan ng krimen. Inaalam din ang motibo sa pagpatay sa naturang akalde.


Mag-live in partner todas sa riding-in-tandem

Natagpuang walang buhay ang mag-live in partner na si alyas Gillian at alyas Negro sa Brgy. Western Bicutan sa Taguig, hindi pa nakikilala ang identidad ng riding-in-tandem na suspect.


LRT2 nag-disinfect ng mga tren

Ang mga tauhan ng LRT2 ay gumagamit ng disinfectant spray upang linisin ang mga upuan at mga hawakan ng mga coach ng tren sa pagsisikap na hadlangan ang pagkalat ng 2019 novel coronavirus sa bansa.


TNVS Hatchback caravan nagsagawa ng protesta sa Grab Philippines

Naglunsad ng transport protest caravan at dialogo ang mga TNVS Hatchback operators sa head office ng Grab sa Makati laban sa limitadong serbisyo ng nasasakupan ng hatchback service. Hiniling ng mga grupo sa Grab Philippines na itigil na ang limited service area coverage ng mga hatchback at subcompact cars sa central business district areas.


230 bagong pulis nanumpa

Aabot sa 230 bagong mga pulis na may rangong Patrolman ang nanumpa sa grandstand ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa kasabay ng ika 129th Philippine National Police PNP foundation celebration.


Ceremonial turnover ng donasyon ng Piliinas sa Hubei, China

Isinagawa ang ceremonial turnover ng donasyon ng Pilipinas sa Hubei, China sa pangunguna nina Foreign Affairs Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns Brigido J. Dulay at Chinese Ambassador to the Philippines Huang XiLian. Naganap ito sa Clark Development Center, New Clark City, Pampanga.