77

By

Cash assistance kailangan ng mga magsasaka, hindi loan – LP

Naghain ng joint resolution ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) sa Kamara para magamit ang nasa P13 bilyong pondo bilang cash assistance sa mga magsasaka na dumadaing sa pagbagsak ng presyo ng kanilang palay.

Sa ilalim umano ng rice tariffication law na nag-aalis sa cap sa grain imports, nakasaad na mandato ng gobyerno na maglaan ng P10 bilyon para tulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund.

“We see no reason why we can’t use this P13 billion to immediately give aid to our farmers who need it the most. There is no point to [be] earning from imports if our people won’t benefit from it, especially the most affected,” giit ni Marikina Rep. Stella Quimbo.

“What our farmers need is immediate cash assistance, not loans that will only add burden to the smallholder farmers,” dagdag pa niya.

Kasama ni Quimbo na naghain ng joint resolution nitong Miyerkoles sina Quezon City 6th district Rep. Kit Belmonte, Occidental Mindoro Rep. Nene Sato at Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?