32

Apr 27, 2020 @ 17:10
By

Carpio sa pag-hijack ng NPA sa relief goods: Pagdeklara ng martial law ‘overkill’

Hindi kumbinsido si retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na maaaring maging basehan ng pamahalaan sa pagdedeklara ng martial law ang ginawang pagharang ng mga rebeldeng grupo ng New People’s Army sa mga ipamamahaging ‘relief goods’ sa gitna ng COVID-19 crisis.

Ayon kay Carpio, walang ibang opsyon ang Pangulong Rodrigo Duterte kundi patigilin ang ‘illegal activities’ ng mga rebeldeng grupo na noon pa man ay umaatake na kahit wala pang outbreak na local coronavirus.

“I think martial law is an overkill! I think it will really be terrible if you declare martial law when there is a pandemic. You are just compounding the problem, we have now difficulty in getting supplies to urban centers. If you impose martial law, you aggravate this difficulty. I don’t think that’s the proper solution,” giit n Carpio sa online forum na inorganisa ng Foreign Correspondents Association of the Philippines nitong Lunes.

Aniya, maaari namang ipaubaya sa mga pulis at militar ang mga rebeldeng grupo, kasabay nang paglilinaw na ang martial law ay hindi nangangahulugan na mapipigilan nito ang pag-aalsa, rebelyon o pagsalakay, base sa 1987 Constitution.

“We have to look at the gravity of the situation. I don’t think that just because the NPA hijacked some of the relief goods, that’s already a ground for declaring martial law. That rebellion has been going on, but it has not merited any martial law declaration in Luzon because it can still be addressed by calling out the Armed Forces,” dagdag pa ng long-time Supreme Court justice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?