109

Feb 14, 2020 @ 10:32
By

Carlos hari sa MPBL All-Star slam dunk

Nananatiling kampeon sa slam dunk contest ng 3rd Chooks MPBL All-Star 2020 si David Carlos matapos dominahin ang mga karibal, Huwebes ng hapon, sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Highlight niya ang one-handed jam habang nakatayo ang 4 na tao sa kanyang daraanan kasama si MPBL founder Sen. Emmanuel Pacquiao at anak na si Jimuel.

“Medyo nasurprise ako. Na-hype ni Nick yung crowd pero ang dami nang situations na ganito and I had to pull off something sa bag ko na makuha ko yung 80-90 percent. Maganda naman yung result,” suma ni Carlos.

“For me, magsisimula na yung season, mag-tour na kami, malaking event siya para ma-gauge kung nasaan ako, ano kailangan i-tweak sa technique at sa strength ko,” hirit niya.

Bukod sa tropeo nag-uwi si David ng grasyangP100,000 mula sa liga at nasabing kompanya ng manok.

Sumegunda si Nick Demusis ng Bacoor na may 2-handed slam mula sa tulong din Pacquiao, tumersera si Chris Lalata ng Bicol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?