32

By

Carlo Biado mamaniin lang ang SEAG gold

Isa sa pambato ng Pilipinas sa bilyar para sa 30th Southeast Asian Games si Carlo Biado.

At dahil siya ang men’s number four sa World Pool Association (WPA) rankings ay malaki ang tsansa nitong sumungkit ng medalyang ginto.

Sa ‘Money Game’ tumibay ang loob ni 36-year-old Biado, na may moniker na ‘The Black Tiger’ kaya tiyak na walang kaba itong tutumbok sa biennial meet na iho-host ng Pilipinas mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Naging caddie o tee boy sa Villamor Air Base golf range si Biado at sa gabi ay tutumbok ito sa isang pustahan upang may maidagdag sa ipambibili nila ng pagkain sa pang araw-araw na kabuhayan.

“Nagwo-work ako after school then bilyar naman sa gabi,” hayag ni Biado na tubong La Union.

Bukod kay Biado, ang ibang miyembro ng national team ay sina former World Champion / Legend Efren “The Magiacian” Reyes, Rubilen “Bingkay” Amit, Cheska Centeno, Dennis Orcollo, Jeffrey Ignacio, Warren Kiamco, Johann Chua, Iris Rañola, Floriza Andal, Alvin Barbero, Michael Angelo Mengorio, Jeffrey Roda, Basil Al-Shajjar, Benjie Guevarra, Luis Saberdo at Francisco Dela Cruz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?