366

Carla Abellana sinugod sa ospital sa Japan

Wala pang isang linggo matapos dalhin sa isang ospital sa Quezon City si Carla Abellana matapos ang shooting sa Pampanga, dinala rin ito sa ospital sa Osaka, Japan sa gitna ng paglilibot doon.

“Pati sa Osaka na-oospital ako. Ano ba ito,” saad ng aktres kahapon, Nov. 13. Naglilibot si Carla kasama ang kanyang pamilya at ang dyowa na si Tom Rodriguez.

Bagama’t ‘di sinabi ang naging sakit, tiniyak naman niya ang publiko na okay na siya ngayon.

Last week, nag-post din sa IG ang aktres kung saan naka-dextrose siya at nasaad sa caption na ito na ang kanyang “pinaka-unhealthy state” sa edad na 33.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?