58
Cardona, Wilson ipapagpag ang kalawang sa Game 3
By ,

Cardona, Wilson ipapagpag ang kalawang sa Game 3

Mga Laro sa Abril 16/Martes:

(Filoil Flying V Centre)

7:00pm — San Juan vs Davao Occidental

Lilipat sa balwarte ng San Juan Knights sa FilOil Flying V Centre ang dalawang sunod na laro ng best-of-five national finals series ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup.

Inaasahan na dadagsa ang fans para saksihan ang Game 3 na bakbakan sa pagitan ng San Juan at Davao Occidental Tigers ngayong Martes, Abril 16.

May pagkakataon ang San Juan na manakaw ang kampeonato sa mga susunod na laro. Huling tinanghal na national champion ang San Juan noong 2000 sa Metropolitan Basketball Association (MBA).

Mas kailangang magtrabaho ngayon ng Knights matapos ang Game 2 loss nito noong Sabado nang malimitahan sina Macmac Cardona at John Wilson dahil sa magandang depensang binigay ng Davao.

Tumapos lamang ang dalawa ng 12 pinagsamang puntos, si Cardona ay may 3-for-15 mula sa field habang si Wilson naman ay may 2-for-10 shooting.

Susubukan naman ng Davao makasikwat na kahit isang panalo para maibalik ang serye sa Davao at muling sasandalan nito sina Billy Robles at Mark Yee.

Noong Game 2 pumutok ng 17 puntos si Robles habang nirehistro naman ni Yee ang kanyang ika-20 double-double finish, 16 puntos at 10 rebounds.

“Confident ako na makaka-isa kami sa San Juan,” sabi ni Robles. “Ang importante, naipanalo namin yung Game 2 and tumaas yung kumpiyansa namin ahead of Game 3.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?