130
Cardona, Wilson babalikatin ang San Juan sa Game 5
Apr 24, 2019 @ 18:44
By ,

Cardona, Wilson babalikatin ang San Juan sa Game 5

Wala man sa kanila ang bentahe ngayon, susubukan pa rin ng San Juan Knights na umariba sa Game 5 ng national finals ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup.

Masusubukan ang tatag ng Knights sa winner-take-all Game 5 kontra Davao Occidental Tigers sa balwarte ng kanilang kalaban sa Rizal Memorial College Gym sa Davao nitong Huwebes.

Nasayang ang pagkakataon ng Knights na masungkit ang kampeonato noong Lunes sa harap ng kanilang tagahanga.

Umariba ang San Juan sa unang tatlong period nitong Game 4 ay agarang nasungkit ang ilang puntos na bentahe bago maglamlam ang laro ng buong tropa.

Hindi nakitaan ng angas ang mga beterano ng tropa na sina former PBA players John Wilson at MacMac Cardona, na ngayong Game 5 ay mas kailangang lumabas ang kanilang laro.

Susubukang ulitin ng San Juan ang panggugulat nito sa Game 1, kung saan nanaig ito bagaman dehado sila lalo na pagdating sa crowd.

Bukod kay Wilson at Cardona, aasahan din ng tropa ang ilan sa mga well-balanced player nito na sina Mike Ayonayon, Larry Rodriguez at Orlan Wamar, na tumapos 19 markers Game 4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?