440
Cardona nasa likod ni Abueva
By ,

Cardona nasa likod ni Abueva

Para kay dating PBA player Mac Cardona, masyadong malupit ang parusang indefinite suspension na pinataw kay Phoenix Pulse star Calvin Abueva.

Pinatawan ng PBA si Abueva ng indefinite suspension dahil sa dalawang insidente na kinasungkatan nito kamakailan, una noong minura niya umano ang girlfriend ni Ray Parks at pagsuntok nito kay TNT import Terrence Jones.

Sa panayam ng Spin.ph kay Cardona kasabay ng team launch ng San Juan Knights sa MPBL, alam niya ang pakiramdam ni Abueva.

“Buti nga si Calvin napapasaya yung PBA eh. Siya na nga lang yata halos nagpapasaya diyan at inaabangan tapos ganoon pa,” wika ni Cardona.

“Indefinite suspension, sobra naman ‘yun. Dapat kay Commissioner [Willie Marcial], alam na agad yung ide-declare n’ya na kung ilang games si Calvin hindi makakalaro. Kasi may pamilya rin yan eh.”

Sinabi rin ni Cardona na buhay na ni Abueva ang basketball at nakakaawa aniya ito kung hindi ito makakapaglaro nang walang bayad, na para umanong nanasak o namaril si Calvin sa bigat ng parusa.

“Si Calvin, ganun talaga maglaro ‘yun. I-accept na lang natin na ganun siya maglaro, hindi talaga siya papasindak kahit sino ka pa. Ganun siya eh,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?