89
Cardona, Knights kumatok sa Northern Division finale
By ,

Cardona, Knights kumatok sa Northern Division finale

Kinarga ni dating PBA player Mac Cardona ang San Juan Knights 94-86 kontra Quezon City Capitals sa Northern Division Game 1 ng best-of-three semis ng Maharlika Pilipinas Basktetball League Datu Cup Martes ng gabi sa People’s Center sa Balanga, Bataan.

Muntik nang nag-double-double si Cardona sa inirehistrong 25 puntos, 14 sa payoff period, at siyam na rebounds.

Isang panalo na lang ang kailangan ng San Juan para umarakangda sa championship round ng Northern Division habang kailangan namang manalo ng Capitals para maipwersa ang Game 3 ng serye.

Umariba rin para sa Knights si Mike Ayonayon na may 17 puntos, sa likod ng 7-of-11 shooting.

Nakatuwang din ni Cardona sa opensa ang mga big man ng tropa na sina Larry Rodriguez at Larry Muyang. Tumapos si Rodriguez ng 13 puntos at 13 boards habang sumahog naman ng 11 puntos si Muyang.

Dinomina rin ng San Juan ang paint area kung saan rumehistro ito ng 60 puntos kumpara sa 42 lang ng Capitals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?