56

By

Cardinal Tagle nasa Vatican City na

Dumating na sa Vatican City ang dating Arsobispo ng Maynila na si Cardinal Luis Antonio Tagle para sa kanyang bagong posisyon sa Simbahan.

Sa pahayag ng kanyang dating secretary na si Fr. Regie Malicdem, bandang alas-12 ng hapon sa Vatican City ay nagsama-sama ang mga associate ni Tagle at nagdasal ng Angelus para masalubong siya

“Today I had the joy of accompanying Cardinal Chito to his new office at the Congregation for the Evangelization of Peoples. At 12noon, all his collaborators gathered to pray the Angelus and welcome him. Overlooking the window of his office is the famous column of the Immaculate Conception near the Spanish steps. This will surely remind him of the Manila Cathedral and the Archdiocese of Manila,” ayon sa pahayag ni Tagle.

Umalis si Tagle sa Pilipinas matapos i-appoint ni Pope Francis bilang Prefect ng Vatican Congregation para sa Evangelization of Peoples.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?