33

By

Cara y cruz pusta droga, 6 dakma

Inaresto ng mga tauhan ng Pasig City Police (PCP) Station Drug Enforcement Unit ang anim na drug suspect sa ikinasang buy-bust operation kamakalawa ng hapon, Setyembre 18, sa Pasig City.

Nakilala ang mga suspek na pawang mga residente ng Pasig na sina Rolando Cruz, 46-anyos na construction worker, Zyrell Esguerra, 29-anyos na delivery personnel ng Westbank Road Floodway, Eduard Bagadiong, 41-anyos ng Westbank Road Floodway, Nino Sanluis, 38 ng Westbank Road Floodway, Dennis Rafol, 46-anyos na tricycle driver, at Roderick Cruz, 50-anyos.

Inaresto ang mga suspek bandang alas-2:30 ng hapon sa B. Tatco Street, Barangay Bagong Ilog, Pasig City matapos magsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng PCP 10 makaraang ireklamo ang mga naglalaro ng cara y cruz sa kalsada na kung saan ay droga umano ang pustahan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong .25 centavo bilang pangara, P60 at isang and plastic sachet na maglalaman ng shabu.

Habang nakuha naman ang isang sachet ng shabu at shabu paraphernalia sa ikinasang buy-bust operation bandang alas-3:30 ng hapon sa Barangay Maybunga, Pasig City.

Samantala, inaresto naman si Rafol bandang alas-9:15 ng gabi sa Feliciano Extension, Barangay Sagad, Pasig City at nakuha ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa PCP Station at nahaharap sa.kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?