56

By

Canteen sa GMA 7, binulabog ng sunog

Sumiklab ang sunog sa loob ng GMA 7 compound sa Quezon City nitong Martes.

Ayon sa Quezon City Fire Department, ang sunog ay nagmula sa canteen sa loob ng compound ng naturang TV network.

Ang sunog ay nagsimula bandang alas-11:31 ng tanghali, at naapula naman agad at dineklarang fire out, alas-11:45 ng tanghali.

Dumating na ang mga imbestigador sa site para alamin ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?