193
CAMANAVA mayors, napanatili sa pwesto
By

CAMANAVA mayors, napanatili sa pwesto

Masasabing sila-sila pa rin ang mga uupong bagong alkalde sa pagtatapos ng 2019 local elections na pinangungunahan nina Caloocan City Mayor Oca Malapitan, Malabon City Mayor Lenlen Oreta, ang pagbabalik ni Navotas City Mayor Toby Tiangco at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Sa Caloocan, landslide victory ang panalo ni Oscar “Oca” Malapitan, na nasa huling termino na ngayong 2019 hanggang 2022 na nakakuha ng botong 423,072 laban sa kanyang apat na hindi kilalang katunggali na sina Ruffy Bayon-on, Ronnie Malunes, Ed Sevilla, Max Torrelino, at Emil Trinidad.

Nanalo naman bilang 1st District Congressman ang anak nitong si Along Malapitan na wala ring kalaban at si 2nd District Congressman Egay Erice na nakakuha ng 123,824 laban kay Noel Cabuhat na 13,282.

Sa Malabon, muling uupo sa huling termino si Mayor Antolin “Len Len” Oreta III na nanguna sa mayoralty race na nakakuha ng 99,425 kontra kay administration bet Vice Mayor Jeannie Sandova na nakakuha ng 55,579 boto.

Naangasan naman ng nagbabalik na si Jaye Lacson-Noel bilang kongresista si incumbent Ricky Sandoval.

Nagbabalik naman sa Navotas si dating mayor Toby Tiangco na nakakuha ng 78,778 votes kontra sa konsehal na si Di Ang.

Si Toby na dating kongresista ay pumalit sa kanyang kapatid na si John Rey Tiangco na mayor ng Navotas City.

Sa Valenzuela City, nananatiling si Gatchalian pa rin ang uupo sa pagka-alkalde matapos makakuha ng 248,911 votes habang si Lorie Natividad-Borja naman ang nanalo bilang vice mayor na may 225,559 votes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?