71
bpo-call-center
By

Call center sinalakay: 97 Chinese, 8 pang foreigner nasakote

Nasa 97 Chinese nationals at walong iba pang dayuhan ang dinakip ng Bureau of Immigration dahil sa pagtatrabaho sa isang call center nang walang mga kaukulang dokumento sa Biñan, Laguna.

“There was even one minor—a 17-year-old female—who was obviously trafficked to work here illegally, which brings the number to a total of 106,” saad ni BI Spokesperson Dana Sandoval.

Maliban umano sa mga Chinese, naaresto rin sa pagsalakay noong Huwebes ang apat na Indonesians, tatlong Malaysians, isang Vietnamese at Laotian.

Idedetine umano ang mga undocumented foreigner sa holding facility sa Bicutan, Taguig ng BI habang inaayos pa ang kanilang deportation proceedings.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?