426

By

Call center agent nagbigti sa QC

Lawit ang dila at maputla na ang buong katawan ng isang call center agent nang matagpuang nakabigti sa kisame sa loob ng kanilang tahanan ng kapatid na babae sa Quezon City.

Sa report sa Quezon City Police District, ala-1:45 ng hapon ng Abril 22 nang makita ang katawan ni Paul Batacan de Vera, 39, binata, sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Villa Maria Clara, QC.

Batay sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Ma. Fedraliza De Vera kay P/Master Sgt. Roldan Cornejo, imbestigador ng CIDU-QCPD, magpapakain sana umano siya ng kanilang aso nang mapansin nito na walang tali sa leeg ito.

Dahil dito ay umakyat siya sa ikatlong palapag ng kanilang tahanan upang itanong sa kapatid na si Paul subalit nagulantang na lamang siya nang bumungad ang nakabigting katawan nito sa kisame habang nakapulupot sa leeg nito ang tali ng kanilang aso.

Tumanggi nang paimbestigahan ng kapatid sa mga awtoridad ang insidente dahil kumbinsido umano ang kanilang pamilya na sadyang nagpakamatay ang kapatid niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?