44

Mar 20, 2020 @ 17:11
By

California nagpatupad na ng lockdown

Kasunod ng pagkalat ng coronavirus sa iba’t ibang bahagi ng mundo, inutos na rin ng pamahalaan ng California ang pagpapatupad ng lockdown.

Humiling si California Governor Gavin Newsom kay US Presidente Donald Trump na magpadala ng Navy hospital ship sa Los Angles port.

Ito’y matapos lumabas sa prediksyon ng mga eksperto na maaari umanong tamaan ng sakit ang nasa 25.5 milyong katao sa kanilang lugar sa susunod pang walong linggo.

Nasa 1,000 na ang bilang ng kaso ng coronavirus sa nasabing state habang hindi bababa sa 16 ang nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?