64

By

Calica ‘di kinalawang

Matagal mang natengga, ‘di naman kinalawang ang bagsik na taglay ni wushu artist Jaerome Calica nang humakot uli dalawang ginto ginto mula sa kategoryang waikru at mai ng muay competition sa pagpapatuloy ng PH 30th Southeast Asian Games 2019.

Walong taon na ang nakalilipas nang huling lumahok sa SEA Games si Jaerome kaya malaking comeback para sa pambato ng ‘Pinas 11-nation, 12-day biennial meet.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Calica, na ang susi niya sa pagiging gold medalist ay ang pagiging isang stuntman.

Naging malaking tulong aniya sa kanya ang pagiging martial artist dahil dito niya natuto siya ng acrobatic moves.

“Part time akong stuntman, more than 10 years na. Salitan ’yan sa pagiging fight choreographer o minsan muay coach ko,” aniya sa ABS CBN.

Naging malaking tulong rdn aniya sa kanya ang partner na si Joemar Gallaza lalo na nu’ng kinailangan niya ng kasama.

“Naghanap ako ng partner na marunong nang mag-martial arts, mag-stunt na kasingtangkad ko. Nahirapan akong maghanap, konting araw na lang ang nagagawa ko dati bago ako nakakita ng partner,” ani Jaerome.

Suwerte namang pumasa ang video resume ni Joemar kung saan swak ang mga move niya.

“First time kong mag-compete dito po. Tapos beterano ang nakasama ko kaya inangat ko ang sarili ko para maging level kami,” panapos niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?