158
Caballero, Palou bibisita sa TOPS
By ,

Caballero, Palou bibisita sa TOPS

Si Philippine Olympic Committee deputy secretary-general Karen Tanchanco-Caballero at Premiere Volleyball League (PVL) head Ricky Palou kasama sina volleyball stars Myla Pablo at Dzi Gervacio ang panauhin sa 22nd Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Magbibigay ng update si Tanchanco-Caballero, presidente rin ng Philippine Sepak Takraw Association, sa paghahanda ng bansa sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Sina Palou, Pablo at Gervacio naman ay pag-uusapan ang bagong season ng PVL sa Mayo 26.

Si Pablo, reigning PVL MVP at nanalo na ng tatlong korona sa liga, ay maglalaro na sa Motolite habang si Gervacio naman ang mangunguna sa Banko Perlas.

Makakasama rin sa weekly sports forum na ito ang Spikers’ Turf players na sina Rex Intal, Marck Espejo at Peter Torres ng Cignal.

Ang forum na ito ay iniisponsoran ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association (CBA) at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?