23

By

Cabagnot No. 7 na sa PBA all-time assist

Naghulma ng career milestone si Alex Cabagnot Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa kanyang first assist ng laro na kinumpleto ni June Mar Fajardo sa 8:54 mark ng first quarter kontra Phoenix Pulse, inupuan ni Cabagnot ang No. 7 sa PBA all-time career assists list.

Nilagpasan ni Cabagnot si Ronnie Magsanoc (3,228).

Nasa 14th season na sa liga si Cabagnot, 25 assists na lang ang naghihiwalay sa kanila ng nasa No. 6 na si Willie Generalao (3,256).

Namigay si Cabagnot ng 4 assists sa runaway 128-108 win, may 16 points, 3 rebounds at 3 steals pa siya sa loob ng kulang 30 minutes.

Pangalawang sunod na panalo para umangat sa 4-5 at solohin ang seventh spot ng Commissioner’s Cup.

Top five ng PBA all-time assists career list sina Robert Jaworski (5,825), Ramon Fernandez (5,220), Dindo Pumaren (4,043), Johnny Abarrientos (3,757) at Jimmy Alapag (3,406).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?