45

By

CA: Mga ‘talent’ ng GMA regular na manggagawa

Binasura ng Court of Appeals (CA) ang apela ng broadcast company GMA Network at pinanindigan ang nauna nitong desisyon na sinasabing regular na manggagawa ang 101 media worker ng huli.

Sa isang desisyon na nilabas ngayong Huwebes, sinabi ng CA na bigo ang GMA at ang CEO nitong si Felipe Gozon na magpresenta ng bagong argumento sa kaso.

“We thus find no compelling reason that warrants a modification much less a reversal of the assailed decision dated February 20, 2019. Wherefore, the instant motion for reconsideration is denied,” ayon sa desisyong sinulat ni CA Associate Justice Zenaida Galapate Laguilles at sinang-ayunan nina Associate Justices Mario Lopez at Gabriel Robeniol.

Nitong Pebrero, kinatigan ng CA ang dalawang desisyon ng
National Labor Relations Commission (NLRC) na sinasabing regular employee ang mga media worker, at iligal ang ginawang dismissal sa mga ito.

“Talent” ang tawag ng GMA sa mga media worker at renewable ang mga kontrata nila.

Natuwa naman ang mga media worker sa desisyon ng CA.

“If GMA takes the option to appeal the decision to the Supreme Court, we will welcome the opportunity to present our case to the High Court, and hopefully carve out jurisprudence that can benefit not just media workers, but all contractual workers in the country,” saad ng Talents Association of GMA (TAG) sa isang pahayag.

“Filipino workers deserve nothing less,” hayag pa nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?