19

By

Buzzer-beater ni Paguilugan, nagbigay ng korona sa Nazareth

Nagsalpak ng buzzer-beater si Jhazel Aerol Paguilugan ng Nazareth School of National University upang talunin ang De La Salle-Greenhills, 59-57, sa Passerelle Division championship ng Best Center twin basketball tournament nitong weekend.

Bukod kay Paguilugan, bida rin sina Kim Aaron Tamayo na gumawa ng 14 points, habang si Rainer de Leon ay nag-ambag ng 12 markers upang selyuhan ng Nazareth ang korona sa NSNU sa two-division tournament na inihahandog ng Milo, Rain or Shine, Chris Sports at SKLZ.

Samantala, dinemolis naman ng San Beda University ang La Salle-Zobel para sa 3rd place habang ang sister-team namang ng La Salle Greenhills ay bumawi nang talunin ang College of San Benildo Rizal, 76-54.

Nanguna si Janeil Sebastian Peralta nang gumawa ng 13 points habang alalay si Bryan Andrei Hachuela ng 11 markers para sa LSGH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?