54

May 20, 2020 @ 11:34

Buwaya nagkunyaring hito

Gulantang ang isang lalaki matapos hindi hito ang lumabas sa isang butas kundi maliit na buwaya.

Sa video na tinweet ng Nature is Metal, makikitang sunud-sunod ang paglabas ng dalawang hito sa isang maputik na butas.

Matapos ang ilang segundo’y lumabas ang ikatlong isda, at makaraan ang ilang saglit na paghihintay, bumulaga sa butas ang ulo ng isang maliit na buwaya.

Napasigaw ang lalaki at saka tinusok ng matulis na kahoy ang katawan ng buwaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?