36

By

Butler, Sixers tumabla sa Raptors

Natigil na nga ang 14-game losing streak ng Philadelphia 76ers at itinumba ang Toronto Raptors sa iskor na 94-89. Ito ang unang panalo ng Sixers kontra Toronto mula noong Nobyembre 10, 2012.

Umahon nga si Sixers forward Jimmy Butler sa kanyang malamig na laro noong Game 1 at binalikat ngayon ang kanyang koponan at humarabas ng 30 points, 11 rebounds habang si big man Joel Embiid ay nagtala ng 12 points, 6 rebounds at limang assists.

Ayon kay Butler, wala silang pake kung maraming beses na natalo ang kanyang koponan sa Raptors basta ang mahalaga ay nanalo sila ngayon.

“Everybody wants to paint the picture that we haven’t won here in however many years,” ani Butler. “I’m just glad that we came out on top. We don’t care how many games we’ve lost, nothing like that,” dagdag nito.

Si Butler ay mainit at gumawa ng 12 points sa 4th canto na tumulong para mapigilan ang paghahabol ng Raptors. Lamang ng 19 points sa first half, nahabol ng Raptors at naibaba sa isa sa dulo ng third quarter ngunit nanlamig sa pagpasok ng 4th quarter, minintis ng Raptors ang anim sa pitong tira.

Ayon naman kay coach Brett Brown, sinuwerte lang sila sa dulo.

Humahabol na ang Raptors, naibaba pa sa tatlo ang lamang, 90-87 sa 4th quarter at nang makuha ng Raptors ang bola ay sumaksak si Pascal Siakam at naipasok ang layup at naibaba sa isa ang kalamangan ngunit sumagot din si Embiid sa kabila at ibinalik sa tatlo ang lamang.

May pag-asa namang itabla ang laban nang makatira si Raptors shooter Danny Green ngunit namintis niya ito at pag-rebounds ni Sixers forward Tobias Harris ay agad itong in-intentional foul at sinalpak ang dalawang free-throw na sumelyo sa laban.

“We got lucky there at the end,” ani Brett Brown.

Si Raptors star Kawhi Leonard ay nabalewala ang 35 points, 7 rebounds 6 assists. Nakisawsaw din si Siakam ng 21 points at si Kyle Lowry ay may 20 points.

Ang Game 3 ay gaganapin sa Biyernes, alas-otso nang umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?