32

By

Butler naghiganti! 42 puntos tinambak ng 76ers sa Timberwolves

Muling nagbalik si dating Timberwolves Jimmy Butler sa balwarte ng Minnesota.

At hindi naging maganda ang karanasan ng koponan sa kanilang paghaharap sa ngayong koponan ni Butler na Philadelphia 76ers.

83 points ang iskor ng 76ers sa halftime pa lang, pangalawa sa pinakamataas na first-half point sa NBA ngayong season kasunod ng 92 points ng Golden State Warriors noong nakaraang Oktubre 2018.

Sa laro, kumamada si Butler ng 19 puntos, natapos ang laban sa 149-107 na pagkatambak ng Timberwolves sa 76ers.

“I do want to beat those guys, but I want to beat every team,” ayon kay Butler.

Naging susi ng Philadelphia sa panalo si Joel Embiid na kumana ng 31 points at 13 rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?