62
ABANTE Philippine Sports Commission william butch ramirez
By

Butch papa-SEA Games unity meeting sa Hulyo 28

Magsasagawa ng isang unity meeting para sa paghahanda sa 30th Southeast Asian Games 2019 ang Philippine Sports Commission na pangungunahan ni Chairman William ‘Butch’ I. Ramirez na siya ring chef de mission ng Team Pilipinas sa Hulyo 28 sa Malacañang Palace, San Miguel, Manila.

Ayon kay Ramirez, makikibahagi rin sa meeting ang lahat ng national sports associations, gayundin ang mga national athlete, at bawat NSA ay magsasama ng limang athlete sa sisimulang alas-10 ng umagang pulong.

Makikisalo rin sa assembly ang Philippine Olympic Committee, Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) para sa kanilang kooperasyon at suporta sa biennial meet na susulong sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

“If we want to win as one, we should embrace a united front,’’ giit ni Ramirez tapos ang meeting kasama sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Senator Christopher Lawrence Go, Pateros-Taguig Cong. Alan Peter Cayetano at Presidential Spokesperson Salvador Panelo nitong Huwebes sa Malacañang.

“One team, one goal. The country should come together and be united in supporting this government effort,” dagdag ni Ramirez.

Inaasahan din niya na ang meeting ang magtutulak sa Phisgoc, POC at PSC officials upang magkaisa sa para sa SEAG. Sinigurado rin ni Ramirez na magiging transparent ang resulta ng mga mapapagusapan sa pagtitipon.

Inaasahan ding magsasadya uli sa event sina Medialdea, Go at Cayetano, kasama ang may 300 sports officials at athletes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?