24
Babae napugutan sa sumabit na earphones sa elevator
By

Bus vs motor, magtiyo dedbol

Patay agad ang magtiyuhin na sakay ng isang motorsiklo matapos banggain at araruhin ng pampasaherong bus sa Quirino Highway sa bayan ng Tagkawayan, Quezon noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Celso Postre Jr., 35 anyos na driver ng motorsiklo, at ang backride na si Christopher Postre, 21, na kapwa residente ng Del Gallego, Camarines Sur.

Base sa report ni PCPT. Milo Tabernilla, hepe ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon, Enero 13, nang maganap ang aksidente sa Brgy. Bagong Silang.

Inagawan ng linya at sinalubong umano ng AB Liner Bus ang motorsiklong sinasakyan ng dalawang biktima na patungo sa Barangay Tabugon para magtupada.

Parehong nagtamo ng mga sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na naging sanhi ng agad na pagkamatay ng mga ito.

Agad namang naaresto ang driver bus si Armando Ricarte, 37 anyos at residente ng Lopez, Quezon.

Kasalukuyan itong nakakulong sa lock up jail ng Tagkawayan police station at sinampahan na ng mga kasong reckless imprudence resulting to homicide, at damage to property.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?