110
Magsasaka patay sa sunog sa Davao del Sur
By

Bus nasunog sa Caloocan, 2 sugatan

Bigla na lang nagliyab ang isang bus sa southbound lane ng EDSA sa Caloocan City nitong Huwebes ng hapon.

Sa inisyal na report, nasunog ang AC Transit bus alas-2:20 ng hapon at naapula ang apoy makalipas ang 20 minuto.

Nagmula ang bus sa Valenzuela City at patungo sana sa Makati City nang masunog.

Nakalabas umano ang lahat ng mga pasahero matapos na umusbong ang makapal na usok kasunod ng apoy.

Nagdulot ito ng mabigat na daloy na trapiko sa lugar.

Samantala, inaalam pa ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng dalawang nasugatang biktima sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?