127

By

Bus nahulog sa tulay sa NLEX

Isang pampasaherong bus ang bumulabog sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bandang San Fernando, Pampanga, Huwebes ng umaga.

Sa insidente, kita na nakasabit ang gulong ng bus sa tulay at may dalawa pang truck ang nagkaroon din ng tama dahil sa banggaan.

Tinatayang limang katao ang sugatan dahil sa nasabing karambola.

Hindi pa tukoy ang dahilan ng pagkahulog ng bus at iniimbestigahan pa ng awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?