1,484
Bus nagliyab sa EDSA Shaw tunnel
By

Bus nagliyab sa EDSA Shaw tunnel

Nagdulot ng mabagal na daloy ng trapiko ang nasusunog na bus sa EDSA Shaw nitong Biyernes ng gabi.

Sa kuha ng netizen na si @krmalcantara, makikita ang paglagablab ng apoy sa bus.

Nasunog umano ang bus sa northbound lane ng EDSA Shaw tunnel malapit sa Starmall sa Mandaluyong, gabi ng Marso 22.

Maliban sa apoy ay nakarinig din daw ng pagsabog mula sa bus.

Sa report sa 24-Oras sinabi ni PO1 Jayrome Maggay ng Eastern Police District na walang nasaktan sa insidente dahil nakababa umano ang driver ng bus nang mapansin ang pag-usok sa bandang puwetan ng sasakyan na posible umanong nag-overheat.

Nilagyan ng driver ng kalso ang sasakyan para makababa ito.

May iba pang kuha sa insidente ang isang netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?