692

By

Burol ni Kobe balak gawin sa LA Coliseum

Planong isagawa ang burol ng nasawing NBA legend na si Kobe Bryant sa Los Angeles Memorial Coliseum.

Nauna rito, sa meeting na isinagawa para sa memorial ceremony ng yumaong si Black Mamba ay naimungkahing gawin ito sa Staples Center o mas kilalang “the House that Kobe Built.”

Pero dahil 20,000 katao lamang ang kapasidad nito ay wala pang pinal na plano.

Ayon sa TMZ report, kinukunsidera na sa halip na sa Staples Center ang burol ay posibleng sa nasabing coliseum na lang dahil kaya nitong mag-accommodate ng 80,000 katao.

Kabilang din sa posibleng venue ang Rose Bowl, pero wala pang malinaw at opisyal na report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?