23

Mar 25, 2020 @ 12:40
By

Buong tanggapan ng Pasay City Police nag-disinfect

Nag-disinfect ang grupo ni Task Force Covid-19 shield commander General Guillermo Eleazar.

Kasama ang ISRAT, Healium at ASDS, mga private companies na tumugon sa pangangailangan ng PNP frontliners.

Sinabi ng mga ito na gusto din nilang iparamdam sa mga kapulisan na kasangga nila ang Savepoint mula sa private sector.

Dahil dito ay boluntaryo silang nag-disinfect sa mga presinto dahil kailangan anila nilang alagaan ang mga nagbabantay laban sa Covid-19.
“Kapag nagkasakit ang mga nasa Frontline natin, mahihirapan tayo labanan ang Covid19,” ani Eleazar.

Hindi lamang anila ang Pasay City Police ang kanilang idi-disinfect kundi maging ang Makati, Paranaque, Las Pinas , Muntinlupa, Taguig at maging ang bayan ng Pateros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?