689

By

Bunso ni Albert Martinez na si Alissa, ikinasal na sa Canada

Settled down na ang anak ng aktor na si Albert Martinez na si Alissa sa pag-iisang dibdib nito sa kanyang partner na si Paulus Reyes sa Banff, Canada.

Dineklara ito ni Alissa sa kanyang Instagram story noong Oktubre 18.

“@paulusreyes I love you. We’re married!!!” saad sa post.

Makikita naman sa post ng Nice Print Photography na nakasuot ng puting wedding gown si Alissa kasabay ng magandang background na bundok na puno ng snow.

Samantala, inamin ni Albert na siya’y naiyak sa pagpapakasal ng kanyang bunso.

“Seeing my Alissa looking so happy and radiant is a truly amazing experience, but it is tinged with a little sadness because it’s also the moment you realize she’s all grown up,” ayon sa post ni Martinez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?