98

Apr 11, 2020 @ 13:29
By

Bunganga ni Leila, isama sa lockdown – Panelo

Pinatamaan ng Palasyo ang naging pahayag ni Senadora Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte na nagdududa umano ang nakadetineng mambabatas na nauubos na ang pondo ng gobyerno sa pagresponde sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, puro salita lamang umano si De Lima, at walang basehan sa kanyang mga sinabi.

“The detained Senator De Lima is blabbering from ignorance,” saad ni Panelo.

Ayon kay De Lima, hawak niya umano ang transcript ng address ni Duterte sa kanyang address ukol sa krisis sa virus.

Ngunit sabi ni Panelo ay hindi umano nakikinig si De Lima sa mensahe ng Pangulo.

“She should read the transcript of his televised message,” lahad ni Panelo.

Binanatan ni De Lima si Duterte matapos na sabihin nitong handa siyang ibenta ang asset ng gobyerno kapag kulang na ang pondo para labanan ang pandemic.

“Why is Duterte hinting already of disposing of our assets? Exhausted na ba talaga ang available funds, and those that can be reprogrammed within government?” tanong ng senadora.

“If she can not help in the government’s efforts to fight COVID-19 she should at least lockdown her mouth,” tugon naman ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?