25

Jun 30, 2020 @ 21:52
By

Bumili sa mga Pinoy online seller – Robredo

Umapela si Vice President Leni Robredo sa publiko na tulungan ang mga kapwa Pilipino na apektado ng coronavirus crisis.

Ito’y sa pamamagitan ng pagbili sa mga ibinebenta ng mga ito online.

Ani Robredo, makakatulong sa maliliit na negosyante para makaahon sa epekto ng pandemic ang pagtangkilik sa mga locally-made product.

“Sana iyong mga mayroon namang capacity na tumulong, tumulong. Iyong pagtulong po, hindi lang iyon sa pag-donate, pero iyong pagbili ng local,” aniya.

“Hanapin natin iyong mga local na sellers, iyong mga nagtitinda ngayon sa Facebook, sa Instagram. Bilhan natin,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?