112

Apr 2, 2020 @ 21:29
By

Bumaligtad? Vice inalaska sa pagkampi kay VP Leni

Hindi nakaligtas sa mga mata ng netizen ang ginawang pagpapasalamat ni Vice Ganda kay Vice Presidente Leni Robredo at kay Pasig City Mayor Vico Sotto para sa mga naging kontribusyon nito ngayong humaharap ang bansa sa suliranin dulot ng coronavirus.

Mayroon ding tila pasaring ang komedyante sa kanyang pahayag, dahil sinabi rin nito ang ‘kontribusyon hindi kompetisyon’, na unang naging isyu sa mga netizen dahil sa pahayag ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Manuelito Luna kay Robredo na tila pakikipagkompetisyon diumano nito sa national government dahil sa mga ginagawa niyang hakbang para tumulong sa gitna ng krisis.


Gayunman, pinuna ng mga netizen ang naging pagkambiyo umano ni Vice sa kanyang aksiyon.

Dahil kung noon ay naging kampi umano ang komedyante kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayon ay kay bise presidente naman.


Tanong pa ng isang netizen, ay kung bumaligtad na ba ang komedyante:


May isa pa na binalikan ang screenshot ng naging pag-guest ng pangulo sa show ni Vice na ‘Gandang Gabi Vice’.


Hinala tuloy ng isang netizen ay kung naging ‘plastikan’ ang ginawa ng komedyante sa show.


Sinabi pa ng mga netizen na bakit sina Robredo at Sotto lang ang ang pinasalamatan ni Vice, at hindi sinama ang pangulo at iba pang public servant na nagtatrabaho sa ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?