4,692

By

‘Bulaklak’ ni Rhian, halos mag-hello sa socmed

Habang tumatagal, lalong nagiging mapangahas si Rhian Ramos at tila hindi niya gustong mapag-iwanan sa karera ng mga hubadera sa social media.

Kamakailan lang ay nagposte si Rhian ng kanyang larawan sa Instagram na nagpapakita ng walang anumang underwear na suot sa kanyang katawan.

Nakatayo si Rhian sa kanyang posing habang yakap-yakap niya ang color beige ruffle long gown.

Pakikibahagi ni Rhian sa Women’s Day noong Biyernes ang posting niyang ito.

@whianwamos: “Oh, what a time to be a woman. #womensday.”

Sa larawan nakalantad ang kaliwa niyang hita pataas.

Walang suot na underwear si Rhian sa larawang ito kung saan nakalitaw ang kanyang hip at thight.

Halos sumilip na ang pisngi ng ‘bulaklak’ ni Rhian sa itsura ng posing niyang ito, na konti na lang ay maghe-hello na ang kanyang hiyas.

Kung daring ang kaibigan niyang si Lovi Poe, hindi naman pahuhuli si Rhian sa tapang niyang maghubad sa social media.

Pinuri naman ng followers niya ang super-sexy photo niyang ito sa Instagram.

@rscishi: Wow sexy.

@iamsupah17: I love you zoe. Gael really loves you!

@alwaysachef: This has got to be one of the best shots you posted. Good job.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?