1,810

Apr 8, 2020 @ 15:09
By

Bulakenyo singer namigay ng manok sa mga kababayan

Kilala si Paulo Landayan dahil sa galing nito sa pagkanta, marami na siyang singing contests na nasalihan at napagwagian.

Bata pa lang si Landayan ay pag-awit na ang kanyang hilig kaya naman sa gitna ng enhanced community quarantine ay ginawa niyang libangan ang pagkanta upang makapagbigay-aliw sa kanyang mga followers sa Facebook.

Nagsasagawa ng isang FB live si Landayan kung saan kinakanta niya ang mga requests ng kanyang followers. Sa ganitong paraan ay nakapagbibigay siya ng saya sa mga ito.

Pero bukod sa kanyang mga kanta ay naghandog rin ng tulong si Landayan sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine.

Naghanda ito ng 2.5 toneladang manok na kanyang ipamimigay sa kanyang mga ka-barangay.

Tubong Brgy. Pulong Gubat, Balagtas, Bulacan si Landayan.

Hindi na bago kay Landayan ang pagtulong dahil noong panahon na humarap sa krisis ang Batangas dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal ay agad rin itong umaksyon upang makapagbigay ng tulong.

Ani Landayan, “Ang sarap tumulong lalo na pag nakikita ko sa mukha nila yung reaction nila. Kaya as much as kaya ko, hindi ako titigil. We’re all blessed!”

Sa ngayon, si Landayan ay nagtatrabaho bilang sa chicken contractor sa Northern and Southern Luzon ng San Miguel Foods Incorporated at Municipality Distributor Partner ng Coca Cola Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?