43

By

Bulacan, Rizal, Iloilo makakaranas ng maghapong brownout

Asahan ang brownout sa Biyernes sa ilang lugar sa Pilipinas, ayon sa anunsyo ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon sa tweet ng electric company, magkakaroon ng power interruption sa ilang bahagi ng New Delhi, mul Jerusalem hanggang East Gate A East Gate Avenue, sa East Gate Executive Village sa San Juan, Taytay, Rizal pagsapit ng alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa March 15.

Ito ay dahil sa nakaiskedyul na paglilipat ng mga poste at reconductoring works sa nasabing mga lugar.

Maaapektuhan din ang mga lugar ng Guiguinto Bulacan na mawawalan naman ng ilaw mula alas-10 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling-araw dahil din sa ilang mga repair sa Barangay Tabe.

Dawit sa brownout ang mga lugar sa Mercado Street malapit sa Gold Touch Foods Corp. kasama ang Villa Roma II Subdivision, Innova Homes Subdivision at Hiyas Water Resources Inc.

Samantala magkakaroon din ng brownout sa Iloilo na sineserbisyuhan ng Iloilo Electric Cooperative (ILECO) 1 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

“We have sufficient supply although it will be tight. DOE (Department of Energy) will be watching it to make sure that we don’t have any disruption,” eksplika ni Energy Secretary Alfonso G. Cusi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?