3,515
'Bukol’ ni Jake Cuenca galit na galit
By

‘Bukol’ ni Jake Cuenca galit na galit

‘Galit na galit’, iyan ang reaksyon ng mga fan sa post ni Jake Cuenca kamakailan sa kaniyang Instagram.

Kasi naman, ang selfie niya with matching bukol na bukol na mga abs na litaw na litaw ay talaga nga namang takaw-pansin sa mga follower! Lalagkitin talaga ang pagtingin ng kababaihan at mga beki sa abs ni Jake!

Mas naenganyo pa nga raw ang mga fan na manuod ng kanilang teleseryeng ‘Los Bastardos’ nang makita ang pandesal sa katawan ng aktor! Actually, silang lahat daw talaga na miyembro ng Los Bastardos ay nagpapainit sa tanghali ng mga netizen! Busog na busog nga raw ang mga fan sa palabas na Los Bastardos kahit wala na raw kanin ay mabubuhay na sila dahil iba raw talaga ang impact ng Los Bastardos stars.

Pati nga ang ilan sa kapwa artista na sina Joross Gamboa at Antonio Aquitania ay napabilib sa abs ng aktor! Hanga ang mga fan na name-maintain ng aktor ang kaniyang pagiging hot at hindi rin daw umeedad ang aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?