258

By

Bukod sa hazing: Dormitorio pinilit na halikan ang kapwa kadete

Hindi lang pananakit ang naranasan ni Fourth Class cadet Darwin Dormitorio sa Philippine Military Academy (PMA), kundi kakaibang uri din ng pangmamaltrato.

Ayon sa report, isang testigo ang nagsabi na pinilit pa umano si Dormitorio na halikan ang kapwa nito kadete.

Sa una ay sinasaktan si Dormitorio, na mas grumabe matapos gamitan ng taser sa kanyang katawan.

Tumigil lamang umano si Cadet Third Class Julius Carlos Tadena sa pangunguryente ng mapadiskitahan si Dormitorio at pinahalikan ang kapwa kadete nito sa kanya.

“Cadet Tadena closed the door and ordered [another cadet] and Cadet Dormitorio to kiss each other while saying ‘l—n mo!’ and at the same time he was laughing,” ayon sa affidavit ng testigo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?